Tatel, namayagpag sa Opening Match ng table tennis

Matapos paluhurin ng isang baguhan noong nakaraang taon, muling napasakamay ng third-year BS Math paddler na si Julius Franklin Tatel ng Unit III ang limelight nangmagapi niya sa opening salvo ng table tennis tourney ang pambato ng  Unit II na si Joel Villafuerte, 11-9, 8-11, 11-8, 11-6, nang Setyembre 5, 2012.

Matatandaang sa nakaraang edisyon ng CSC Palaro ay nilampaso ng senior nursing student na si Sean Emerson Ros ang noo’y beteranong varsity player na si Tatel.

Inamin ni Tatel sa isang panayam na ang pagkatalo niya noong nakaraang taon ang nakaganyak sa kanyang magpursigi. “Mas pinaghusyan ko pa ang training at natuto na rin ako sa mga pagkakamali ko last year.”

Kapansin-pansin din ang pagbabago sa laro ni Tatel. Kumpara sa agresibo at gigil na laro noong nakaraang taon, kalmado at mas madiskarte ang ipinakita niyang laro ngayon.

“Basta training lang nang training kasi diyan tayo nag-iimprove” dagdag pa ni Tatel.

Samantala, nasungkit din ng Unit III ang unang panalo kontra Unit II sa singles B men division.

Sa women’s divisions, nauna nang isinelyo ng Unit I ang kampeonato sa singles B, singles A at doubles divisions.

Dahil sa hindi pagkakaroon ng sapat na line-up ng Unit II, naging instant championship match ang pagsalpukan ng Unit I at Unit III.

Muling namula ang tally sa pagkakakopo ni Shane Magtagñob sa katunggaling Unit III sa best of seven series na championship match.

Naibulsa naman ni Ceian Sebastian ang kampeonato sa singles B division nang ideklara siyang winner by default ng tournament manager.

Kahit aminadong baguhan sa doubles division, naging madali pa rin ang ruta ng tambalang Hanilyn Bañares at Niña May Nazareno tungo sa pagwawagi kontra Unit III.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: