ANYARE: Isang Pagsulyap sa Nabubulok na Kabulukan



Ang Hindi Marunong

Sa mga lumipas na administrasyon, naging katumbas na ng pangalang FCSC ang  kontrobersya at batikos. Samu’t saring isyu ang ipinupukol sa organisasyong namumugad sa Sudent Center, ang kanilang opisina/ himpilan.

Ang FCSC o Federated College Student Council, ang siyang tanging awtonomus at demokratikong administrasyong kumakatawan sa masang estudyante ng buong Isteyt. Pangunahing tunguhin ng organisasyon ang pangalagaan at isulong ang kapakanan at karapatan ng mga estudyante.

Sa kasalukuyan, binubuo ang FCSC ng isang presidente, isang bise-presidente, executive secretary, finance secretary, budget secretary, press/ information officer, property custodian at 16 legislators na binubuo naman ng tigdalawang kinatawan mula sa lahat ng college o department (maliban sa Department of Industrial Technology) at Panganiban Campus.

Lumingon sa Pinanggalingan

Sa loob naman ng termino ni Joshua Paulo Araojo, A.Y. 2010-2011, nabalangkas ang Constitution and By-Laws (CBL) ng FCSC. Naging kritikal ang hakbang na ito ng nasabing administrasyon lalung lalo na sa lehislatibong aspeto, sa kabila ng umiigting na iringan sa pagitan ng pamunuan ng CSC Main at Panganiban Campus.

Bunsod ng naganap na General Assembly ng dalawang Supreme Student Council noong Oktubre 13-15, 2010, naamyendahan ang ilan sa mga probisyon ng CBL ng noo’y Federated Supreme Student Association (FSSA), kasama na rito ang election process, organizational structure, membership fee at higit sa lahat, ang rotation of power sa pagitan ng Main at Panganiban Campuses. Mula sa kontrobersyal na probisyon ng Article XIII ng FSSA Constitution na nagdidiktang ang pangulo ng Panganiban Campus SSC ay uupo bilang student trustee sa loob ng isang taon habang ang sinumang mahalal na pangulo ng CSC-SSC Main ay uupo nang dalawang magkasunod na taon sa parehong posisyon.


Hindi Makakarating

Sa dalawang naupong FCSC Presidents, ano na nga ba ang mga makabuluhang pagbabago?

Ang pagbusisi sa Student Development Fund ang isa sa mga ipinagmamalaki ng termino ni Glenda Rima. Ito ay humantong sa paghahain sa Board of Trustees ng resolusyon na taasan ang natatanggap na Student Travel Allowance mula P200.00 sa P500.00. Dahil dito, mas malaking kompensasyon ang natatanggap ng mga estudyanteng ipinapadala ng paaralan sa mga seminar, contest, atbp.

Naging malaki rin ang naging papel ni Rima sa pagpili ng sumunod na SUC President ng Isteyt sa pamamagitan ng kanyang isang boto bilang kinatawan ng masang estudyante sa BoT.

Ayon naman sa ipinasang Accomplishment  Report para sa unang semester ng SY 2011-2012, naging  bahagi rin ng mga proyekto ng administrasyong ito ang taunang pagsponsor sa ilang events tulad ng Charter Day at Cheerdance Competition sa Intramurals. Sa pakikipagdayalogo naman ng mga student leaders sa noo’y kakaluklok pa lamang na SUC President Minerva I. Morales sa naganap na consultative meeting, naiparating ang problema sa kakulangan sa upuan sa Isteyt na siya namang sinolusyunan sa pamamagitan ng pag-purchase ng mga upuan.

Naging banner project din ng administrasyon ni Rima ang pamimigay ng relief goods sa mga piling boarding houses sa palibot ng Isteyt nang manalanta ang dalawang bagyo sa bayan ng Virac.

Samantala, sinundan naman ng administrasyon ni Eric Amarille, dating bise-presidente ni Rima, ang pamunuan ng kapartido sa pagsapit ng kasalukyang FCSC.

Ilan lamang sa mga makabuluhang nagawa nila sa taong ito ay ang pakikipag-partner sa non-profit organization na CSC Without Borders sa pagtatayo ng Student Resource Center.

Hindi rin mawawala sa mga proyekto ng administrasyon ni Amarille ang pag-sponsor ng walang kamatayang beauty pageant gaya ng Search for Ginoo at Mutya ng Kalikasan 2012. Isa ring kapuna-punang resolusyong naipasa ay ang pagkakaroon ng honorarium ng mga miyembro ng FCSC. Nangangahulugan itong maktatanggap ng P100 at P50 ang mga miyembro sa bawat gaganaping regular at special meetings na ichacharge sa pondo ng FCSC, ponding galing sa mga estudyante.

Kung susuriin, ilan lamang sa mga proyektong ito ang tunay na tumugon sa pangangailangan ng estudyante. Kapansin-pansing mas namamayani ang mga event-centered na mga proyekto kaysa sa mga tangible na proyekto, yaong mapapakinabangan nang pangmatagalan.

Dagdag pa rito, kapuna-puna ang higit na humihinang pwersa ng legislative body ng FCSC. Sa kalidad ng mga resolusyong naihahain at naipapasa, nasasalamin ang hindi ganap na kamalayan ng mga naihahalal sa pwesto sa kanilang responsibilidad.

Dapat nating tandaan na ang FCSC ay isang council at hindi isang one-man org.


Sa Paroroonan

Sa kabila ng mabibilang na magagandang nagawa ng FCSC, hindi pa rin maikukubli ang realidad na hanggang sa ngayon ay wala pa rin itong pinag-iba sa FSSA. Bulok.

Sa huli, kung ating lilingunin ang pinagmulan ng kabulukang ito, mababatid nating tayo’y lumilingon sa ating mga sarili.


Jerard Paul V. Tulod

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: