Ikaw Na Ba?

‘Di natin namalayan, isang termino na pala ang napipintong magtapos. At sa  pagtatapos na ito’y magbubukas naman ang isang pagkakataong  muling makahanap  ng pinunong  tunay na kakatawan sa mithiin ng mga estudyante.

Ngayong darating na eleksyon, tatlong kandidato ang magpapakilala, manunuyo, mangangampanya at hihingi ng ating mga boto upang mabigyan ng bagong mukha ang liderato ng Federated College Student Council (FCSC), ang organisasyong responsible sa na pamamahala at pagtugon sa hinaing at kapakanan ng masang estudyante.

Sa larangan ng pulitika, asahan na natin ang pag-alingawngaw ng maraming matatamis na salita kagaya ng ‘reporma,’ ‘pagbabago,’ at ‘para sa mga estudyante.’ Ilang eleksyon na rin ang ginamitan ng mga popular na retorikang ito. Ilang beses na rin tayong umasa at sumabay sa agos.

Muli, tayo ay liligawan, susuyuin at hihikayatin. At sa maraming putahe ng panliligaw na ihahain sa atin, lagi’t laging tandaan na masusing kilatisin ang pagkatao, ang karanasan at ang plataporma ng mga kandidato.

Sa ganitong paraan malalaman natin kung sino nga ba kina Crisanta P. Benitez, Ronnie B. Del Barrio, and Mylord T. Panti ang karapat-dapat maupo sa pinakamataas na posisyon sa FCSC at magiging boses natin sa Lupon ng Rehente (Board of  Regents) na siyang pinakamataas na pamunuan  sa  ating unibersidad.

 

Multi-org President. Ms. Bikini Open 2010. Banderang Pangkabuhayan.

Sa kabila ng panghihikayat ng kanyang mga kasamahan na huwag nang tumakbo bilang presidente ng FCSC, ‘di natinag si Crisanta P. Benitez, 19, na ipaglaban ang kanyang pagkakataong baguhin ang sistema sa FCSC.

“Determined! Usually, ‘di naman maalis ‘yong kinakabahan ka. Pero determined ako na no matter what happens – ano man ang maging kilos ng ibang party; and ano man ang performance namin, determinado kaming lumaban and determinado kaming i-overthrow kung ano man ang maling sistema.”

Sa ganitong pahayag sinimulan ni Benitez ang aming panayam sa kanya. Inamin ni Crisanta na di naman talaga niya planong tumakbo sa umpisa. Mula sa una hanggang ikalawang taon niya sa kolehiyo, di niya inisip na pasukin ang labanang ito; ngunit, isang karanasan ang nagpabago ng kanyang pananaw.

“I became a part of FCSC nang naging legislator ako at na-experience ko ang previous governance, then nag-pop sa isip ko:  If I were the president, ganito rin ba ang gagawin ko? Hahayaan ko lang bang ganyan-ganyan na lang?”

Si Crisanta ay dating pangulo ng 4H Club Catanduanes, AKB Scholar–CSU, at Catanduanes Student Leaders Congress of Catanduanes (CSLCC).

Aniya, sa karanasan niya bilang isang leader sa maraming organisasyon, nasabi niya sa sarili, “Hindi [ko] gustong magpatuloy ang ganito [sa FCSC], hindi ako kuntento sa ganitong performance.”

“If I would be the one, I would be better one… Hindi ko matiis na ga-graduate ako rito na alam ko sa sarili kong may potensyal ako pero wala akong gagawin.”

Nagsimulang maliwanagan si Crisanta na magpatuloy sa pagsisilbi sa FCSC matapos ang kanilang YMCA seminar sa Baguio.

Nang tinanong namin kung sino ang pangunahing humikayat sa kanya upang tumakbo, isang tuwirang sagot ang kanyang binitawan.

“Si Kuya Bimbo mismo. I saw his performance. And because of his performance, nasabi ko sa sarili ko na ‘di ko hahayaan na sa susunod, another ‘Kuya Bimbo’ na naman ang mamumuno sa FCSC.”

Sa nakaraang eleksyon, tumakbo si Crisanta bilang mambabatas ng CED sa ilalim ng partidong Piglas-Tugon, ang partido ng kasalukuyang  pangulo. Ito ang unang niyang pagpasok sa isang mataas na political organization sa Isteyt.

Bukod sa mga grupong pulitikal, miyembro rin si Crisanta ng student publication (CSU Statesman at Daliwawa) at religious organization na Youth For Christ.

Sa kanyang paghahangad sa pinakamataas na posisyon sa FCSC, sinabi niyang kung dumating man sa punto na kailangan niyang magbitiw sa ibang org para sa FCSC, gagawin niya raw.

“Sabi raw nila, great leadership is equal to success and sacrifice. And if ever I have to give up the other organizations, I believe naman na it’s for a greater purpose.”

Kasalukuyang nasa ikatlong taon at kumukuha ng Bachelor of Secondary Education Major in English si Benitez.

Ilan sa mga nagawa ni Crisanta sa ilalim ng kanyang pamu muno sa 4Hay ang pagbibigay ng pondo sa mga 4H members sa isla upang makapagtayo ng sarili nilang business project, at ang pagpapadala ng mga kinatawan sa labas ng Catanduanes upang maipadala sa mga seminar.

“Ang maipagmamalaki ko siguro, o sabihin na nating alas pagdating sa ganitong larangan ay marami na akong nadaluhang leadership training and skills development sponsored by the outside organizations. And at the same time, I have good academic performance. And I believe that I am holistically developed, most especially in the spiritual aspect.”

Sa eleksyong ito, binuo nina Crisanta ang bagong partido na ‘The Plebeian Party’. Ang salitang “plebeian” ay galing sa salitang Latin na ang ibig sabihin ay masa.

Pinaunahan na ni Crisanta na “di [sila] lalapit sa pulitiko” kahit hindi tiyak ang circulating fund ng kanilang partido.

Gayunpaman, “improvements, not just changes” pa rin daw ang ihahain ng grupo kung sakaling sila man ay maluklok sa pwesto.

“We are aiming na maging self-sufficient ang mga estudyante that’s why we pursue in our platform na magtayo ng student business center which will be ran by the students. And aside from that, we want to develop the skills of the students. That’s why we want to engage them in skills and livelihood training program.”

Payo ni Crisanta sa mga botanteng naghahanap ng kandidatong may karanasan at may paninindigan.

“We all experience the system of the present administration. Let us learn from our mistakes. They say that there is learning when there is progress. ‘Wag nang ulitin ang nagawa before. ‘Di pa huli ang lahat. Ito na ang perfect time to correct those mistakes. And I, as an aspirant FCSC President, am very willing to help them build a better future ahead. We need your help.”

 

Piglas-Tugon. Campus Minister. Mr. Wifi.

Binitiwan ni Ronnie Del Barrio ang pagiging presidente ng SBO-DICT sa kanyang pangarap na maging pangulo ng highest governing body ng masang estudyante ng CSU Main at Panganiban Campus.

Mula nang pinasok niya ang pulitika, umanib na siya sa Piglas-Tugon hanggang sa kanyang kasalukuyang pagtakbo sa pagkapangulo ng FCSC.

“Ang loyalty ko asa Piglas-Tugon. Sa anong mga rason? Doon ko nakita kung painano sinda magpadalagan.Doon ko nahiling kung anong mga sala; doon ako nahubog tanganing maging leader. Sabi pa ngani sa amo, ‘kung inano ang loyalty mo sa partido mo, ibig sabihon ganon man man ang loyalty mo sa mga estudyante.”

Ngunit kahit kapartido ang kasalukuyang namumuno, inamin nyang dismayado rin siya sa  pamamalakad nito.

“Sabihon ko na, na igwang time na nauyam ako sa [incumbent] na administrasyon. Kung nagmuda ang mga ibang officer, nagmuda man ako. Aram ko na Piglas-Tugon member ang presenteng administrasyon pero aduman ako sa bagay na igwa siyang pagkukurang. Pero sasabihon ko na dai man siyang nagibong sara. Dai man po naghab-on ang president ‘ta.

Always akong gapush sa mga lehislador na patawan ning punishment si Kuya Bimbo, although member siya ng Piglas-Tugon. Kasi habo kong mahiling na arog kaito ang ginigibo niya, kasi nga nagpromise kami na maserve kami for the students bakong para sa sadili. Kaya ngunyan, para saako, bako lang kakulangan ni Kuya Bimbo, igwa man ning pagkukurang din ang mga lehislador that time kasi ‘di sila nagpush kung anong mga proyektong gusto ninda man ta sinda ang mas may karapatan na mag-gibong batas.”

Hindi naman raw nagpapadala si Ronnie sa mga isyung dala ng incumbent administration sa kanyang pangangampanya.

“Inisip ko na ‘yan one time. Pero sinabi ko sa sadili kong dai ako maapektuhan. Kasi aram ko ang mga estudyante, they are wise voters. And aram ko ‘di sila mag-iisip na kagaya ako niyon, kasi di ako papayag na mangyari ang bagay na ‘yon. Tsaka isa pa, alam nilang taong simbahan ako at di ko magagawa ang bagay na ‘yon.”

Ipinagmalaki naman niyang bilang presidente ng SBO-DICT, nagawa niyang maipatupad ang kanyang pangakong free internet connection para sa mga estudyante ng DICT.

Nagsimula si Ronnie bilang ingat-yaman sa Information Management Student Body Ogranization at siya ang pinakaunang pangulo ng Information System Student Body Organization. Siya rin ang Property Custodian ng dating pangulo ng FCSC na si Glenda Rima.

“Sa tatlong taon ning pagiging officer ko, nagpuon ako sa pinakababa… nahiling ko kung ano’ng sitwasyon; nahiling ko kung painano mamuno ang pinaka-head at pinakamababa… Puon pa lang nahubog na ako.”

Disbentahe naman daw sa ibang kandidato kung tatakbo sila na kulang ang karanasan sa paghawak ng mga political positions sa Isteyt.

“Para sa ako, mas magayon kung mahihiling ninda ang sitwasyon ning organisasyon, lalo na sa FCSC. Ta kung bigla lang kita masabak, adyaan ‘yong time na dai ta aram kung anong gigibuhon ‘ta. Maski ako man, if ever manggana ako, puon sa puon medyo masakit ‘yan. Pero sabi ko nga, sa experience ko sa buhay masasabi ko man siguro na prolific na [ako].”

Pagdating sa kanyang plataporma, isa sa mga nais isulong ni Ronnie ay ang ‘Transparency.’

“Kung si Noynoy may SONA, si Cesar Sarmiento may Ulat sa Distrito. Kung ako magiging FCSC President, magkakaigwang Ulat para sa Estudyante. Gusto ko maski singko sentimo maalalaman ning mga estudyante kung sain napupunta ang yagasto sainda ning saindang magulang.

Para sa gabos na estudyante nin CSU, kung ako ang hahaputon ninda, dai na sindang hahanapon sa’ko. Ta ngata? Sa pagserve sa students, poon pa lang ning first year, nagpoon na ako magserve. Maski outside the school gaserve ako para sa kabataan,especially sa kabataan sa remote areas.  And sa tatlong taong pagserve ko, sasabihon ko na lang na fully equipped na ako. Kaya para sa mga estudyante, siguro dai na sindang dapat ibang hanapon na FCSC President kundi ako, si Ronnie del Barrio.”



KAPARIZ Youth Coordinator – Luzon. Bandillo pioneer. Ex-seminarian.

Nakakailang mang bigkasin ang kanyang pangalan, buo ang loob ni Mylord T. Panti sa pagsabak sa mundo ng pulitikang ngayo’y tinuturing siyang bagong salta. Si Mylord ay dating seminarista bago pumasok sa CSU, at kasalukuyang nasa ikalawang taon ng kursong AB Political Science.

Sa panayam ng The CSU Statesman, nasabi ni Mylord na wala sa kanyang plano ang tumakbo. Ngunit nakaramdam daw siya ng awa sa mga taga-Isteyt matapos makitang walang mga student leaders na lumalapit sa mga estudyante at wala syang maramdamang “care” mula sa mga officers. Dahilan upang magdesisyon na siyang lalo pang mapalawig ang pagtulong sa mga estudyante sa pamamagitan ng pagtakbo bilang FCSC president.

“Bag-o pa lang ako uya, first sem pa lang ako, honestly gahanap akong care na hari sa officer, na totally di ko namati. Gahapot ako sa mga opisyal, ‘Sisay mga officer uya?’ Ngaya, ‘Inda’.”

Nais niyang simulan ang isang bagong sistema sa FCSC, dahil sa lumang administrasyon, wala raw “boses ang mga estudyante.”

“Inot na inot, sa enrolment pa lang, gahagad ang mga estudyante ning support from the officers, dai akong nahiling na gahiwas. Panduwa, gahagad akong pigasabing ‘accomplishment,’ daing napapahiling na accomplishment. Maski sabihon ta na ngayang, ‘Sa talam lang’, dai akong nadadangog sainda. [Pantulo], galuwas lang sinda pag igwa sindang kaipuhan.”

Dai [ning] totally nag-stand sainda kung ano talaga sinda. Masabi lang sindang opisyal pero pigahapot ko, ‘Anong accomplishment nyo?’ ‘Anong pwedeng naitabang nyo samo?’ Ang word na gagamiton ko ngunyan, sasabihon ko ang vulgar word na pigasabing ‘Nganga!’ Daing nasasabi.”

Si Mylord ay dating first year representative ng PSS (Political Science Society) at pangalawang pangulo ng Samahang Sentral ng Filipino. Siya rin ang Youth Coordinator ng Bandillo, ngayo’y political party na.

Taas nuo naman niyang pinagmamalaki na ilang buwan pa lang siya sa CSU, marami na rin siyang nakamit lalo na ang pagiging KAPARIZ Youth Coordinator ng Luzon.

“First time uya, magkaigwang coordinator, sa bilog na Luzon kita ang gakapot. Ang BU, dai nagkua; ang Aquinas dai nagkua. Whole Bicol region ako lang ang nakakua. Ang kalaban ko University  of Manila, St. Benilde, tsaka Ateneo de Manila University. Para sako dakulang accomplishment ‘yan, dakulang trabaho, although ibandera ko ang pangalan ng Isteyt. Big accomplishment for me.”

Nagsulong din siya ng debate sa Samahang Sentral ng Filipino, na ayon kay Mylord, “first time sa history ng Isteyt.”

Naparecognize rin nila ang Bandillo sa Office of Student Services at nakapaglathala pa sila ng newsletter, at matagumpay na nagsagawa ng Outreach Program sa Magnesia.

“Bako pang taon ang pigabilang mi uya sa State, pilang accomplishment na ang nagigibo mi.”

Hindi naman isyu sa kaniya ang pagiging ‘baguhan’ sa State, dahil sa pitong taon niyang pagiging seminarista, nadestino na siya sa Virac, Viga, Payo, Bagamanoc, Baras, Gigmoto, Pandan at San Andres.

“Ang mga estudyante uya, ‘yan mga choir mi, kadaklan uya… Para sako sa pagpamidmid, siguro sasabihon kong, dai na ko nin kaba or fear na dai ako akoon dahil maski papan-o adiyan ang ability ko na batid akong magtalam. Sa seven years [sa seminaryo], three years niyan nagtalam-talam mana kami sa altar.”

Kung sakaling manalo sa eleksyong ito, ang isa sa mga pangunahing gagawin ni Mylord ay mabigyan ang bawat college ng sementadong logo para sa mahusay na pagkakakilanlan.

“Once na ang logo nyo pigapintura lang sa pader, igwa daw kamong identity bilang sarong college? Syempre, pag binagyo, nabubura. Baging hanggangsa pader lang kami… Aaminon ko na lolo ko engineer, nagpagibo na ako saiya ning project proposal, kung anong pwedeng maitabang… Ngunyan maa-identify ang bawat college na ‘ini asa Education ini.’ Ay ngaya, asa CAF na kita dahil ini ‘yong logo’. Aduman ‘yong identity. Bakong ikakahang mo sana sa pader, anong use kaito?”

Kung papalarin mang maging presidente, binitawan niyang gagawin niya ang lahat at ‘di siya aasa sa sariling desisyon kung hindi sa mga boboto sa kanya – ang mga estudyante.

“Dai ako mapanuga ning maski ano. [Ang] pwede ko sanang maipanuga sanggatos pesos, ‘yan ang ipapanuga ko. Pero sa sanggatos pesos na ‘yan ang ipaluwas ko P500. Habo kong magsabi ning pagkadinakula, gusto kong magsabi ning saday sana. Ta gusto ko na mapahiling sa tawo na gagibo ako.”

Kung sakali, sinasabi niyang ang kanyang administrasyon ay magkakaroon ng burokrasya.Gusto niyang mahati nang tama ang bawat gawain; tulong-tulong pag natapos na ang isa; at hindi lahat iaasa sa pangulo.

Sa tatlong naglalaban-laban ngayon sa pagkapresidente, si Mylord lamang ang hindi pa nakahawak ng posisyon saisang political organization (SBO, FCSC) sa Isteyt.Depensa niya naman, ‘di niya nakikita kung advantage or disadvantage ang sitwasyong ito.

“Ako ngani mismo ang masabi, babag-ohon ko ang way kung ano totally ang culture uya sa laog kang Isteyt, in a political situation… If aduman na ako sa posisyon, mapunta ako sa OSA, hahagadon ko ang mga yagilibo, ang yasabing school calendar ning FCSC tapos ning admin. Ikocompare ko kung anong mga yagilibo – kung gaconduct ng seminar o meeting, gaattend sa board, etc. Napapag-ada’l’an ‘yan. Dai man huba yapag-adalan ning apat na taon. For a week siguro, maski papan-o igwa na akong idea kung painano ko papahiwason, if ever ako man ang makapot ning posisyon na ‘yan.”

Win or lose, no hard feelings naman daw si Mylord. Basta siya raw, bukas-palad lang at laging handang tumulong sa kapwa niya estudyante.

“Gahangad kita ning magayon o progresibong, o sabihon ta nang physically nahihiling mong gatrarabaho ang gabos; daing gabalanga or something na dai pagkauloyunan, bululagan.Masararo kita. Tabangan ta na maging ok ang administrasyon or ang school na ini. Asa sa inyo ang last na desisyon sa kung ano man ang pipilion ninda. Make sure ang pipilion ninda ‘yong handang magtabang sainda, bakong ‘mapatabang’ pa sa inda.”

 

Marahil sa labas ng papel na ito, mas maraming ‘da moves’ pa ang gagawin ang mga pulitikong ito. Susubukan nilang magmukhang totoo ang hindi pa nakikita. Mangangako sila at makikiusap.Ano, maniniwala ka na lang ba at pikit-bulag na sasabay sa agos?

Tandaan niyo, tayo ay isa nang Pamantasan. Nararapat lamang na taasan natin ang batayan ng pagpili ng ating pinuno.Mangilatis at huwag magpalinlang.

John Ely B. Templonuevo

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: